PRRD naglabas na ng kautusan para sa digital payment sa mga Gov’t. financial transactions
Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan sa digital payment para sa government disbursement and collections at iba pang financial transactions sa pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 170 maaari na ring gawin ang government disbursement and collection sa pamamagitan ng digital payment.
Ayon sa nasabing kautusan, puwede nang gawin ang paglalabas ng pera ng gobyerno na nakalaan para sa pagbibigay ng financial assistance, pasahod para sa mga kawani, allowance at iba pang kompensasyon sa pamamagitan ng digital payment.
Maging ang pagbabayad ng buwis ay maari ng idaan sa pamamagitan ng digital na proseso.
Kaugnay nito ay naglagay na ng Technical Working Group na siyang babalangkas sa guidelines ng naturang kautusan na binubuo ng Department of Finance, Department of Budget and Management, Bureau of Treasury, Bureau of Internal Revenue at Government Procurement Policy Board.
Vic Somintac