PSA, naitala ang 2.8% Inflation rate
Muling bumagal ang Inflation rate o bilis sa pagtaas sa presyo ng bilihin ngayong Enero ng 2024.
Sa tala ng Philippine Statistic Authority o PSA bumagal sa 2.8% ang Inflation Rate ngayong Enero, mas mababa kumpara sa 3.9% na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician, USEC Dennis Mapa, nagbunsod sa mas mababang Inflation ang mabagal na taas sa presyo ng Food and Non alcoholic beverage na umabot sa 84.7% mula sa 30% income households.
Kabilang dito ang gulay, isda ay maging karne.
Paliwanag pa ni Mapa may iba pang mga produkto ang nagkaroon din ng malaking hatak sa pagbaba ng Inflation rate.
Nananatili namang mataas ang Rice inflation na umakyat sa 14.6 percent mula sa 13.6 percent noong Disyembre.
Paliwanag ng PSA kinukumpara nila kada produkto, gayundin ang prime commodities at maging sa serbisyo bago sila maglabas ng overall inflation rate ng bansa.
Nakadagdag pa sa mas mababang antas ng Inflation nitong Enero ay mas mabagal na pagtaas singil sa ng housing, water, electricity, gas, at other fuels.
Ito ay may 0.7 percent inflation at 16.3 percent share sa pagbaba ng antas ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Tinututukan naman ng PSA kung magtutuloy ang downtrend sa Inflation ng bansa kahit pa nakitaan ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito na ang ikalimang linggo na nagkaroon ng price adjustment sa presyo ng langis, bagama’t pangatlo sa naka-ambag sa pagbagal ng inflation ang transport sector na umabot sa 5.1% share.
Earlo Bringas