PSA, nakatutok sa CZ-7A rocket na posibleng bumagsak ang debris nito sa Hilagang Luzon
Mahigpit na nakamonitor ang Philippine Space Agency ( PSA) sa Long March 7A (CZ-7A) rocket na ini-launch noong September 13 sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island, China.
Ang Burgos, Ilocos Norte ay kasama sa tinukoy ng Civil Aviation Administration ng China na isa sa posibleng bagsakan ng debris mula sa nasabing rocket.
Nagpaalala naman ang Philippine Coast Guard at lokal na pamahalaan ng Burgos sa mga coastal barangay na iwasang mangisda sa bahaging tinukoy na posibleng bagsakan ng debris para sa kanilang kaligtasan.
Kung sakali namang mamataan ang debris agad itong ireport sa mga awtoridad gaya ng PCG.
Coast Guard Station Ilocos Norte: 0910-609-7420
Coast Guard Sub-Station Bacarra: 0927-635-8376
Coast Guard Sub-Station Pasuquin: 0948-779-3956
Coast Guard Sub-Station Pagudpud: 0968-444-1963
Madz Villar – Moratillo