Psychological horror film ng Paramount na ‘Smile’ nanguna sa N.America box office
Nanguna sa North American box office ang bagong psychological horror film na “Smile” ng Paramount Pictures, na tinatayang kumita ng $22 million sa weekend ticket sales nito.
Ang pelikula ay kinatatampukan ni Sosie Bacon, anak ng aktor at aktres na si Kevin Bacon at Kyra Sedgwick, bilang isang therapist na naging masalimuot ang buhay matapos makasaksi ng isang kahindik-hindik na pangyayaring kinasasangkutan ng isang pasyente.
Ayon sa analyst na si David Gross, “This is an excellent opening, the kind that launches a new horror series. Such horror films, tend to have low budgets but loyal audiences — two things studios love.”
Isa pang psychological horror film, ang “Don’t Worry Darling,” ng Warner Bros., ang pumangalawa naman para sa Friday-Sunday period, na kumita ng $7.3 million.
Ang pelikula na kinatatampukan ni Olivia Wilde (na siya ring nag-direk), kasama nina Florence Pugh, Chris Pine at pop icon na si Harry Styles, ang numero uno noong nakaraang linggo.
Nasa third spot ang history-inspired na “The Woman King,” ng Sony na kumita ng $7 million. Ang Oscar winner na si Viola Davis ang nanguna sa pelikula sa papel na lider ng isang all-female army ng African warriors.
Nasa ika-apat na puwesto ang bagong release ng Universal na “Bros,” na $4.8 million ang kinita.
Sinabi ni Gross, “Reviews for the movie, a rare romantic comedy from a major Hollywood studio were “outstanding” thanks to its “knowing and relatable” humor. Billy Eichner co-wrote and stars in the film.”
Pang-lima ang re-release ng 2009 20th Century blockbuster movie na “Avatar,” na kumita ng $4.7 million. Umaasa ang studio na ang original ay makatutulong para magka-interes ang publiko sa mas malaking budget na sequel nito na inabot ng $250 million, na nakatakdang ipalabas sa Disyembre na pinamagatang “Avatar: The Way of Water.”
Narito naman ang bubuo sa top 10:
“Ponniyin Selvan: Part One” ($4.1 million)
“Barbarian” ($2.8 million)
“Bullet Train” ($1.4 million)
“DC League of Super-Pets” ($1.3 million)
“Top Gun: Maverick” ($1.2 million)
© Agence France-Presse