Publiko at mga ahensiya ng pamahalaan, pinasalamatan ng Malacañang sa mapayapang eleksyon sa bansa
Nagpasalamat ang Malakanyang sa lahat nang nagtulong-tulong at naging mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa bansa.
Ayon sa Malakanyang maikukunsiderang generally peaceful ang naganap na 2019 midterm elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na batay sa report mula sa mga otoridad ay walang naitalang major untoward incident sa kabuoan nang botohan ngayong taon.
Ito ay sa kabila ng mga naitalang mga malilit na aberya sa pagboto tulad ng mahabang pila, kalituhan sa presinto at mga sirang VCMs at SD cards.
Ayon kay Panelo malaking bagay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga law enforcer sa mga batas na may kinalaman sa election kabilang ang gun ban, liqour ban at vote buying.
Kinilala rin ng Malakanyang ang sakripisyo ng mga guro na nagsilbi bilang mga Election Board na nangasiwa para maging malinis at mapagkakatiwalaan ang resulta ng 2019 election mula sa registration, actual voting at hangang sa bilangan ng boto.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: