Publiko patuloy na pinaalalahanan ng DOH laban sa Rabies
Patuloy ang babala ng Department of Health laban sa rabies.
Ito ay matapos kumpirmahin ng DOH na lahat ng 157 sa kaso ng Rabies na kanilang naitala sa unang kalahati ng taon ay namatay.
Babala ng DOH, ang Rabies ay may 100% fatality rate.
Kaya naman patuloy umano ang pagtutulungan nila ng Department of Agriculture, mga lokal na pamahalaan at local veterinarians para mapigilan ang pagkalat ng virus na ito sa mga hayop gaya ng aso at pusa.
Bagamat may mga naiuulat umano na nanatiling buhay matapos makagat ito naman ay bihira lamang umano.
Sa National Rabies Data, Karamihan ng mga kaso ng rabies naitala mula sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, at Davao Region.
Ayon sa DOH, ang karamihan sa mga ito ay nakagat o nakalmot ng alagang hayop, ang iba naman nadilaan ang sugat at nagkaroon ng saliva contamination.
Karamihan sa mga nakaka-kagat na hayop, hindi umano bakunado.
Madelyn Villar-Moratillo