Pulisya, nakasamsam ng cocaine na sapat para suplayan ang New Zealand sa loob ng 30 taon
Sinabi ng pulisya na nakasamsam sila ng cocaine na sapat para suplayan ang New Zealand sa loob ng 30 taon, matapos makasilo ng napakalaking bundle ng mga droga na lumulutang sa Karagatang Pasipiko.
Sinabi ni New Zealand police commissioner Andrew Coster, na ang bundle na naglalaman ng 81 bales ng cocaine ay tumitimbang ng 3.2 tonelada at may street value na humigit-kumulang $316 million.
Aniya, “This is the largest find of illicit drugs by New Zealand’s agencies by some margin.’
Naniniwala ang mga opisyal na inihulog ang mga droga sa isang “floating transit point” sa Karagatang Pasipiko, kung saan kukunin sana ang mga ito at dadalhin sa Australia.
Makikita sa isang police photo na ang bundle ay tinalian ng lambat at nababalot ng mga dilaw na float. Ang ilan sa bale ay may simbolo ng Batman, at ang mga package ng cocaine sa loob ay may label ng tila isang four-leaf clover print.
Ayon kay Coster, “We believe it was destined for Australia, where it would have been enough to service the market for one year. It is more than New Zealand would use in 30 years.”
Sa tulong ng intelihensiya mula sa “Five Eyes” alliance, naharang ng isang naval boat ang bundle, na palutang-lutang daan-daang kilometro sa hilagang-kanluran ng New Zealand.
Ang “Five Eyes” alliance, isang intelligence-sharing network na ilang dekada na ang tanda ay binubuo ng US, Canada, Britain, Australia at New Zealand.
Sinabi pa ni Coster, “There is no doubt this discovery lands a major financial blow right from the South American producers through to the distributors of this product.”
Ayon sa mga opisyal, masyado pang maaga para tukuyin kung saan nanggaling ang mga droga.
© Agence France-Presse