Puno sa India , napagkakamalang gubat

                                       photo credit: www.odditycentral.com

 

Kapag nakita mo mula sa malayo, ang Great Banyan Tree sa Acharya Jagadish Chandra Bose Indian botanic garden, hindi ka masisisi kung mapagkamalan mo itong gubat.

Ang lawak kasi nito ay higit 14,493 square meters, kaya’t ang punong  ito ang itinuturing na “the widest in the world,” na dahil sa laki ay mas malapad pa ang sakop nitong espasyo kumpara sa average wal-mart.

Walang sinuman ang nakakaalam ng eksaktong edad ng great Banyan tree, dahil sa kakulangan ng Official Records, ngunit sa pagtaya ng mga eksperto ang puno ay hindi bababa sa 250 years old.

At sinasabing ang earliest references sa naturang puno ay 19th century pa.

Sa nakalipas na mga taon, napakarami nang dinanas ng great Banyan tree.

Hindi lamang ito nakaligtas sa dalawang major cyclones noong 1864 at 1867, kundi na-infect din ng isang deadly fungus ang main trunk nito, kaya’t kinailangan itong alisin noong 1925.

At dahil kumplikado ang pangangalaga sa massive Banyan tree, kinailangan ang isang 13-member team.

Hindi lamang nila pinamamalaging malusog ang puno, kundi tini-train din nila ang mga ugat nito para tumubo ng tama.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *