Pursuit race sa Paris kaugnay ng 2024 Olympics, nilahukan ng higit 3,600 runners
Bilang simula ng isanglibong araw bago mag-umpisa ang Olympic Games Paris 2024, higit 3,600 mananakbo ang lumahok sa isang pursuit race sa kahabaan ng Champs Élysée, kabilang ang two-time Oympic gold medallist na si Eliud Kipchoge.
Bilang bahagi ng Local Organising Committee Club Paris 2024 engagement programme, ang runners ay binigyan ng head-start laban sa kasalukuyang world record holder sa isang five-kilometer race.
Higit isang libo ang nakarating sa finish line bago ang legendary runner, na magbibigay naman sa kanila ng katiyakan na makasama sa “Marathon Pour Tous” mass event sa 2024.
Ang traditional-distance 42km marathon ay gaganapin kasabay ng isang mas maiksing 10km race sa kaparehong araw at sa parehong course ng Olympic marathon race, na kauna-unahang event na inorganisa sa kasaysayan ng Olympic Games.
Ang mga nagnanais na maging bahagi ng public marathon sa 2024 ay maaaring planuhin ang kanilang training kasama ng advice at inspirasyon mula sa bagong “Marathon Pour Tous” app, na nago-offer ng personalised training programmes at challenges na aplikable sa lahat ng levels at objectives, para sa beginners at advanced runners.
Ang pursuit race na ginanap nitong Linggo ang latest na inorganisa bilang bahagi ng ambisyon ng Paris 2024 na maibahagi ang Games sa mas maraming tao hanggat maaari.
Parte ito ng Club Paris 2024 na isang mass initiative na inilunsad ng Organising Committee para makalahok ang publiko sa fun challenges, at maging accessible ito sa lahat.
Kabilang dito ang ekslusibong pakikipagkita sa Olympic at Paralympic champions at pagkakataon na magkaroon ng partisipasyon sa maraming iba pang exciting sports at cultural initiatives, maging ang pagkakataon na manalo ng puwesto sa 2024 public marathon at sa 10-kilometer race.
Ang members ay puwedeng magkaroon ng points bilang rewards, na kapapalooban ng tyansang maging torch bearer.
Available din sa members ang exclusive updates, sneak previews at access sa lahat ng impormasyon tungkol sa ticketing at priority registration para mag-volunteer sa Paris 2024 Games.
Ipahahayag naman sa lalong madaling panahon ang maraming iba pang oportunidad para manalo ng puwesto sa “Marathon Pour Tous” mass event.