Puspusang paglilinis sa hanay ng PNP, pangako ni bagong PNP Chief General Eleazar na uunahin
Pormal nang naitalaga si Police General Guillermo Eleazar bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya.
Ito’y matapos ang isinagawang Change of Command kahapon sa Kampo Krame.
Kasabay din ito ng retirement ceremony para kay outgoing PNP Chief General Debold Sinas.
Sa kaniyang talumpati, muling nagpahayag ng pasasalamat si Eleazar kay Pangulong Duterte dahil sa pagkakataong ibinigay sa kaniya para pamunuan ang higit 200,000 mga pulis sa bansa.
Pangako ni Eleazar, hindi niya sasayangin ang pagkakataong linisin at ayusin ang hanay ng PNP.
Sisimulan niya ang intensified cleanliness policy sa mga opisina ng pulisya patungo sa mga komunidad.
Inilahad din ng bagong PNP chief ang kaniyang mga programa laban sa iligal na droga, korapsyon, kriminalidad at terorismo.
Kaagad din niyang aaksyunan ang maliliit na kasiraan sa pamamagitan ng kaniyang Broken window policy.
Mamumuno si Eleazar sa PNP sa loob ng anim na buwan o hanggang sa magretiro siya sa Nobyembre kung saan sasapit ang kaniyang ika-56 na kaarawan.