Put your head on my shoulder ….
Hello, mga kapitbahay!
Parang title ng kanta ang pag-uusapan natin ngayon kasi tungkol ito sa masakit na balikat .
Kung ang problema ninyo ay katulad din ng nagtext sa atin, makatutulong ang sinabi sa atin ni Dr. Rylan Flores, isang Orthopedic Surgeon sa programang Kapitbahay ….
63 years old ang texter at madalas na sumasakit ang kanyang balikat, ang tanong niya ay kung rayuma na ba ito o dahil sa tumatanda na siya?
Ang sagot ni Doc Rylan …. Walang kinalaman ang pananakit ng balikat sa rayuma, manapa, may kinalaman ito sa kapsula ng balikat.
Para malaman, ang sabi niya ay subuking abutin ang kanilang tenga o subukang abutin ang kalagitnaang likod.
Kapag naabot pareho, walang problema.
Ibig sabihin, maaaring nangalay lang ang balikat.
Posible anyang napagod dahil sa mga ginawa sa bahay .
Ang dapat gawin kapag ganito ay ipahinga lang.
Yes, ipahinga lang.
Pero, paano kapag hindi naman naabot?
Aba e, ang posibilidad ay may frozen shoulder o adhesive capsulitis.
Ibig sabihin na stuck-up ang balikat kaya hindi magawa ‘yung ipinaaabot gaya ng tenga at ang gitna ng likod.
Ito kadalasan ay kailangang ipahingang mabuti, and more often than not, kailangan ito ipa-physical therapy.
Kailangang ma-stretch.
Kailangang unti-unting maiunat ang balikat, kasi umiikot na mabuti ang balikat.
Kailangan ng isang physical therapist .
Balikan natin ang frozen shoulder?
Ito ay ang common name for adhesive capsulitis na naglilimita sa range of motion ng ating balikat.
When the tissues in your shoulder joint become thicker and tighter, scar tissue develops over time.
Ang resulta, ang shoulder joint ay hindi makapagrotate ng maayos.
Ilan sa mga sintomas ay swelling, pain and stiffness.
At karaniwan ito sa mga ang edad ay 40 and 60.
Samantala, ilan sa mga binabanggit na maaaring gawin para mapabilis ang recovery ay ang mga sumusunod ….
- Physical therapy
- Medication
- Surgery
- Home care
Ayan mga kapitbahay ang ilang mga kaalaman ukol sa frozen shoulder.
Thank you ulit kay Doc Rylan Flores.