QCPD, bantay-sarado sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte
Round the clock na magbabantay ang Quezon City Police District o QCPD sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ngayong araw.
Ayon kay QCPD District Director Joselito Esquivel, naka-full alert lahat ng PNP personnel sa lahat ng bahagi ng Commonwealth Avenue hanggang sa malapit sa Batasan Pambansa kung saan magaganap ang SONA ng Pangulo
Alas -dose eksakto ng madaling araw kanina ay isinara ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue at IBP Road.
Katuwang ang DPWH, MMDA at Local Government units, isinaayos ang lahat ng gagamitin lalo na ang mga stage sa gagawing programa ng mga magsasagawa ng kilos protesta.
Ipinatupad din ng PNP ang maximun tolerance pero kanilang aarestuhin ang mga maaring manggulo o magiging biyolente sa SONA.
Aabot sa 3,267 na QCPD Personnel ang idineploy sa SONA ng Pangulo upang magbantay at masiguro na walang makakalusot na maaaring manggulo.
Ulat ni Earlo Bringas