Quarantine facilities sa Maynila zero occupancy rate
Muli na namang nakapagtala ng zero occupancy rate ang mga quarantine facility sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila PIO, hanggang December 7, ang kanilang 6 na District Hospitals gaya ng Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Jose Abad Santos Hospital, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo ay 13% lamang ang occupancy rate ng kanilang COVID-19 beds.
Habang sa Manila COVID-19 Field Hospital naman, sa 344 bed capacity ay 12 o 3% lang ang okupado.
Sa datos ng Manila Health Department, hanggang kahapon December 7, nasa 96 nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Para naman mas mapababa pa ang mga kaso ng virus infection sa Maynila, mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ang kanilang vaccination efforts.
Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 2.9 milyong doses ng bakuna ang naiturok na sa Lungsod.
Nasa mahigit 1.5 ang nabigyan ng unang dose ng bakuna habang mahigit 1.3 milyon naman ang fully vaccinated na.
Madz Moratillo