Quarantine measures sa Mindanao, mas pinaigting pa sa harap ng pagkalat ng ASF
Mas pinaigting pa ng Department of Agriculture (DA) ang quarantine measures sa haap ng paglobo ng kaso ng African swine fever (ASF) sa Mindanao.
Ayon kay Secretary William Dar, nasa halos 10,000 mga baboy na ang isinailalim sa culling sa dalawang lugar sa Mindanao.
Sa mga highway ay mahigpit na ipinatutupad ang quarantine checkpoints kabilang dito ang paglalagay ng mga foot baths at spraying ng mga truck tires na mayroong kargang mga baboy.
Kasabay nito, nanawagan si Dar sa mga hog raisers na huwag nang itago ang kanilang mga alagang baboy na may ASF dahil ang iba aniya ay ibinebenta pa ito sa mga traders na nagiging dahilan ng lalu pang pagkalat ng sakit.
“Yung mga nagbababoy gaya ng karanasan natin sa Luzon ay tinatago yung baboy nila tapos ibinebenta sa mga traders. Ito namang mga traders nagsasamantala, binibili ng kalahati or what at itinitinda sa ibang lugar. That’s how it is spreading”.