Rabis, nananatiling Public Health problem sa Pilipinas – WHO

 

Sa September 28 ay gugunitain ng buong mundo ang World Rabies day.

Ito ay isang Global Health Observance na sinimulan noon pang 2007.

Nilalayon ng naturang pagunita na itaaas ang kamalayan tungkol sa rabies.

Ayon sa World Health Organization (WHO), nananatili pa ring Public health problem sa Pilipinas ang rabies.

Bukod dito, layon din ng paggunita  na lalong pasulungin at paunlarin pa ang  mga programang may kaugnayan sa prevention and control ng rabies.

Ayon kay Dr.  Jose Mari Castro, isang beterinaryo,  ang World Rabies day ay  ginugunita sa maraming bansa at kabilang dito ang Pilipinas.

Sinabi ni Dr. Castro na ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng impeksyon ng rabies virus.

Ito ay  ay nakukuha mula sa laway ng hayop tulad ng aso.

Pangunahing naaapektuhan nito ang utak at iba pang bahagi ng central nervous system.

Samantala, binibigyang diin ni Dr. Castro  sa mga may alagang hayop na mahalagang inaalagaan, minamahal at kinakalinga ang kanilang alagang hayop.

Dr. Jose Mari Castro, Veterinarian:

“Unang una kailangan natin silang bigyan ng pagkain at shelter…hindi po natin sila dapat na tinatalian, hindi natin sila dapat na pinababayaan…meron pong kaukulang batas na nagpe penalize o nagbibigay ng kaukulang multa sa mga taong nagpapabaya sa kanilang mga alaga…nararapat din po na sila ay dalhin sa beterinaryo dahil sila po ay mga living organisms  din na kailangan ding matingnan ang kanilang kalusugan…”

Samantala, binanggit din ni Dr. Castro na mayroon na ring mga lalawigan na  idineklara ng Department of Health  o DOH na Rabies-free.

Kabilang dito ang  ang mga bayan ng Batuan, San Jacinto, San Francisco, at Monreal sa Ticao island sa Masbate; ang Corcuera, Banton, at Concepcion sa Romblon; at ang President Carlos P. Garcia sa Bohol.

Ito ay karagdagan sa 41 munisipalidad na una nang idineklara na Rabies-free dahil sa nairehistrong zero animal at human rabies sa loob ng tatlong taon.

Target ng DOH na maging rabies free ang bansa sa taong 2020.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *