Radio TV Malakanyang nag-occular inspection na sa Plenary ng Kamara para sa paghahanda sa unang SONA ni PBBM
Nagsagawa ngayon ng occular inspection sa plenary ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Radio TV Malakanyang o RTVM kaugnay ng isasagawang unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 25 kasabay ng opisyal na pagbubukas ng first regular session ng 19th Congress.
Ang RTVM team ay pinangunahan ni Ginoong Loue Eleazar Head ng Media Production Division ng Radio Telivision Malakanyang.
Ang RTVM ang pangunahing mangangasiwa sa documentary coverage ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.
Sa ngayon ay sumasailalim sa renovation ang plenaryo ng Kamara.
Kabilang sa pagbabago sa plenaryo ang paglalagay ng mga health safety measures tulad ng paglalagay ng mga fiber glass barrier sa gallery dahil parin sa isyu ng pandemya ng COVID- 19.
Sa SONA ni Pangulong Marcos Jr. ay papayagan na ang 100 percent face to face capacity sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Vic Somintac