Rafael Nadal, pasok na sa final ng Australian Open
Pasok na sa Australian Open ang Spanish Tennis star na si Rafael Nadal, makaraang talunin si Matteo Berretini.
Magkakaharap sa final si Nadal at Daniil Medvedev ng Russia, na nagwagi naman laban kay Stefanos Tsitsipas.
Sakaling manalo sa final, iyon na ang magiging ika-21 Grand Slam title ni Nadal.
Sa kasaluyan, si Nadal, Roger Federer at Novac Djokovic ay kapwa may tig-20 Grand Slam titles. Nguni’t si Federer ay hindi nakapaglaro dahil sa injury, habang si Djokovic ay hindi pinayagan ng Australia na makapasok sa kanilang bansa dahil sa isyu ng Covid-19 vaccination.
Dahil dito, posibleng si Nadal ang maging all-time men’s Grand Slam leader kapag siya ang nanalo sa final.
Ayon kay Nadal . . . “To me, it’s more important to be in the final of the Australian Open and fight to win another one than the rest of the statistics for the history of the sport. I just feel happy to be part of this amazing era of tennis, sharing all these things with another two players.”
Dagdag pa niya . . . “I feel very lucky that I won once in my career here in 2009, but I never thought about another chance in 2022. That’s it. In some ways it doen’t matter if somebody achieve one more or one less.”