Railway system sa Bocaue, Bulacan ininspeksyon ng DOTR
Ininspeksyon ng mga opisyal ng DOTR, JICA , at mga lokal na opisyal ng bulacan ang railway station project sa Bocaue at Balagtas station.
Ito ang phase one ng Philippine National Railway na magkokonekta mula Tutuban sa Maynila patungong Malolos Bulacan.
Ayon kay DOTR secretary Arthur Tugade, mula dating isa’t kalahating oras aabot na lang sa 30 minutes ang inaasahang magiging biyahe ng mga taga Malolos sa Bulacan patungong Tutuban kapag natapos ang konstruksyon ng PNR project.
Walong train o bagon ang maaring ilagay na kayang makapag-accommodate ng isang milyong pasahero kada araw.
Dadaan ito sa siyam na istasyon mula Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauyan, Marilao, Bocaue, Balagtas , Guiguinto at Malolos
Kapag natapos , ito ang railway na kokonekta mula sa North patungo sa South commuter railway station.
Ayon sa contractor nito na Sumitomo mitsui construction corporation, bagamat nagkaroon ng delay dahil sa epekto ng pandemya , maaring masimulan ang partial operations nito sa June 2023.
Meanne Corvera