Ralph Lauren humingi ng paumanhin matapos itong akusahan ng plagiarism ng Unang Ginang ng Mexico
Humingi ng paumanhin ang US fashion house na Ralph Lauren, matapos itong akusahan ng First Lady ng Mexico ng pangongopya sa mga katutubong disenyo at humingi ng kabayaran para sa mga lokal na komunidad.
Regular na tinutuligsa ng Mexico ang tinatawag nitong plagiarism o pangongopya ng mga dayuhang designer sa motif, embroidery at mga kulay ng kanilang Indigenous communities at dati nang nagsampa ng mga reklamo laban sa major clothing brands kabilang na ang Zara, Mango at SHEIN.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Ralph Lauren fashion house, “We are deeply sorry this happened and, as always, we are open to dialogue about how we can do better.”
Ang akusasyon ay ginawa ni First Lady Beatriz Gutierrez, na siya ring namumuno sa isang cultural affairs commission.
Sinabi niya sa isang post sa Instagram, “Hey Ralph: we already realized that you really like Mexican designs. However, by copying these designs you’re committing plagiarism, and as you know, plagiarism is illegal and immoral.”
Nagpost siya ng larawan ng isang Ralph Lauren labelled jacket na ang disenyo aniya ay katulad ng sa Mexican communities ng Contla at Saltillo.
Ani Gutierrez na isa ring manunulat at mamamahayag, “At least acknowledge it. And hopefully you will compensate the original communities that do this work with love and not for million-dollar profit.”
Ayon pa sa pahayag ng Ralph Lauren fashion house, “We are surprised to learn this product is being sold. When our team discovered months ago that this was in our product pipeline, we issued a stern directive to remove the item from all channels.”
Matatandaan na ang Mexico ay nakakuha ng apology noong 2020 mula sa French designer na si Isabel Marant, dahil naman sa paggamit nito ng traditional patterns mula sa isang Indigenous community na naka-base sa kanlurang bahagi ng bansa.
© Agence France-Presse