Ramming incident sa Germany, dalawa katao patay

0
Ramming incident sa Germany, dalawa katao patay

Police officers work at the site where a car drove into a crowd, in Mannheim, Germany, March 3, 2025. REUTERS/Heiko Becker

Dalawa katao ang namatay at labing-isang iba pa ang nasaktan, nang araruhin ng isang sasakyan ang mga tao sa Mannheim, germany.

Ang namatay ay isang otsenta’y tres anyos na babae at isang singkuwenta’y kuwatro anyos na lalaki.

Ayon sa prosecutors, Naaresto ng pulisya ang driver na lumilitaw na sinadyang managasa dahil sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo.

Sinabi ni Mannheim Chief Public Prosecutor Romeo Schluessler, ang suspek ay hindi nagpapakita na ito ay politically o religiously motivated, pero may mga dahilan aniya upang paniwalaang may problema ito sa pag-iisip.

Ang kuwarenta anyos na german suspect na taga rhinelan-palatinate state, ay iimbestigahan ng Prosecutors kaugnay ng two counts of murder at multiple counts ng attempted murder.

Gayunman, hindi pa sumasailalim sa pagkuwestiyon ang suspek dahil kailangan pa nitong dumaan sa medical treatment makaraang barilin ang kaniyang sarili sa bibig gamit ang baril na walang bala, matapos ang ginawa niyang pananagasa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *