Ransomware attack sa Grand Palais Olympic venue, iniimbestigahan na ng French police
Iniimbestigahan na ng French cyber crime police ang isang ransomware attack sa Grand Palais exhibition hall sa Paris, kung saan ginaganap ang Olympic events gaya ng fencing at Taekwondo.
Ayon sa Paris prosecutors, tinarget ng cyber criminals ang central computer system ng institusyon, ngunit hindi naman ito nagbunga ng anumang pagkaantala sa Olympic events na ginaganap sa iconic glass-roofed exhibition hall na nasa gitna ng French capital.
Sinabi rin ng prosecutors, “The computer system at the venue also handles data for 40 mainly small museums with which it is affiliated.”
A cybersecurity employee from the Paris 2024 flying squad manages a simulated cyber attack and pretends to resolve it from a computer on the Olympic site which will host the hockey events at Yves-du-Manoir Stadium in Colombes, near Paris, France, May 3, 2024. REUTERS/Stephanie Lecocq/File Photo
Ayon sa Franceinfo radio, humingi ang attackers ng ransom payment na dapat ay makuha nila sa loob ng 48 oras, na may pagbabantang ipopost nila online ang financial data na kanilang nakuha kung hindi nila matatanggap ang hindi binanggit na halaga ng salapi.
Sa isang pahayag ay sinabi ng “Réunion des musées nationaux – Grand Palais,” ang museums organisation ng France, na hiniling nila sa national cyber security agency na ANSSI na imbestigahan ang sitwasyon at wala silang na-detect na data extraction.
Dagdag pa nito, walang epekto ang nangyari sa mga operasyon sa Grand Palais, kung saan natuloy naman ang Olympic events nang walang sagabal, at ang pinangangasiwaan nitong 36 na museums ay namalagi namang bukas sa publiko gaya ng dati.