Rationalization plan hindi umano sagot sa congestion sa NAIA
Tinawag na band aid solution ng Senado ang planong rationalization o relocation plan ng ilang domestic at international flights sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Sa inilabas na report ng Committee on public services, sinabi ng Chairman nito na si Senador Grace Poe na hindi solusyon ang rationalization dahil maari pa ring mangyari ang congestion sa NAIA.
Sa halip na magpatupad ng relocation plan, sinabi ng senador na dapat ikunsidera ng Manila International Airport Authority ang expansion ng airport capacity.
Sinabi rin ni Poe na hindi rin kakayanin kung ililipat sa Clark, Pampanga ang ilang domestic at international flights dahil masyadong maliit ang kapasidad ng paliparan.
Ulat ni Meanne Corvera