Recession nararanasan pa rin sa Pilipinas dahil sa epekto ng COVID- 19
Ramdam pa rin ang recession sa pilipinas dahil sa epekto ng COVID- 19.
Sa ulat ni National Statistician Dennis Mapa bumagal ang paglago ng ekonomiya mula enero hanggang marso o unang quarter ng taon dahil sa pandemya.
Katunayan ay naitala aniya sa negative 4.2 percent ang gross domestic product ng bansa.
Ito na ang pinakamababag naitalang GDP mula noong 1980.
Ilan sa mga sektor na bumagsak na nakaapekto sa GDP ay ang mabagal na hog production dahil sa epekto ng African swine fever, pagbagsak ng Construction, Entertainment at Tourism industry.
Pero inihayag ni NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, may walong buwan pa para makabawi ang bansa.
Inaasahan aniyang tataas ang GDP oras na buksan ang mga negosyong nagsara dahil sa ECQ at MECQ sa National Capital Region plus bubble
Kumpara noong nakaraang taon mas malaki aniya ang tiyansa ngayong taon ng paglago ng ekonomiya dahil puspusan na ang ginagawang vaccination roll out ng gobyerno.
Nangangahulugan lang ito na magkakaroon na ng herd immunity at mas maraming mangagawa na ang makakabalik sa normal na trabaho.
Meanne Corvera