“Record-breaking heat” nararanasan sa US, Europe, at China
Nagsisimula pa lamang ang summer sa Northern Hemisphere, ngunit ang mga bahagi ng Europe, China at Estados Unidos ay nakararanas na ng brutal na “heat wave,” kung saan ang inaasahang “record temperatures” ngayong weekend ay naglalarawan sa mga panganib ng umiinit na klima.
Ang Extreme heat advisories ay inilabas na para sa higit 100 milyong Amerikano, at sa pagtaya ng National Weather Service ay partikular na magiging delikado ang mga kondisyon sa Arizona, California, Nevada at Texas.
Kasabay nito, maraming mga bansa sa Europa, kabilang ang France, Germany, Italy, Spain at Poland, ay dumaranas din ng lubhang mainit na temperatura.
Ayon sa European Space Agency, “The mercury may soar as high as 48 degrees Celsius (118.4 degrees Fahrenheit) on the islands of Sicily and Sardinia, potentially the hottest temperatures ever recorded in Europe.”
Matinding init din ang nararanasan sa North Africa, at ang Moroccan meteorological service ay nag-isyu na ng isang extreme heat red alert para sa katimugang bahagi ng bansa.
Ang ilang mga rehiyon ng China, kabilang ang kabisera na Beijing, ay nakararanas din ng matinding init at ayon sa isang pangunahing kumpanya ng kuryente sa China, ang kanilang single-day power generation ay umabot na sa record high noong Lunes.
Ayon sa US space agency na NASA at sa Copernicus Climate Change Service ng European Union, “Last month was already the hottest June on record.”
Babala naman ni World Meteorological Organization (WMO) Secretary-General Petteri Taalas, “Extreme weather resulting from a warming climate is unfortunately becoming the new normal.”
Photo: AFP
Ang sobrang init ay isa sa “deadliest meteorological events,” ayon sa WMO. Sa isang kamakailang pag-aaral ay tinaya na mahigit 61,000 katao ang namatay dahil sa init ng panahon sa record-breaking summer ng Europe noong isang taon.
Ang isang kadahilanan na nag-aambag sa mas mataas na temperatura sa taong ito ay maaaring ang pattern ng klima na kilala bilang El Nino.
Ang El Nino, na nangyayari tuwing dalawa hanggang pitong taon, ay nangyayari kapag nagkaroon ng mas mainit kaysa sa average na temperatura sa ibabaw ng dagat sa gitna at silangang Pasipiko malapit sa Equator, at tumatagal ito ng mga siyam hanggang 12 buwan.
Ang North America ay dumaranas na ng isang serye ng extreme meteorological events ngayong summer, kung saan ang usok mula sa mga wildfire na patuloy na naglalagablab sa Canada ay nagdudulot na ng hindi pangkaraniwang polusyon sa hangin sa malalaking bahagi ng Estados Unidos.
Ang US northeast, partikular ang Vermont, ay binayo naman kamakailan ng malalakas na mga pag-ulan na nadulot ng mapaminsalang mga pagbaha.
Ayon sa climate scientists, ang global warming ay magbubunsod ng mas madalas at mas malakas na mga pag-ulan.
Samantala, karamihan ng mga residente sa katimugang Estados Unidos ay nakararanas naman ng tuloy-tuloy na mataas na temperatura sa loob ng maraming linggo.
Sinabi ni Daniel Swain, isang climate scientist sa University of California, Los Angeles, “Temperature in Death Valley could equal or surpass the record for the hottest air temperature ever reliably measured on Earth.”
Photo: AFP
Ang opisyal na record ng WMO ay 56.7C (134F) na naitala sa Death Valley, sa katimugang disyerto ng California. Ngunit sinukat iyon noong 1913 at ang Swain ay naninindigan sa figure na 54.4C (130F) mula 2020 at 2021.
Hindi rin nakaligtas ang mga karagatan sa mainit na summer.
Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration, “Water temperatures off the southern coast of Florida have surpassed 32C (90F).”
Para naman sa Mediterranean, ang surface temperatures ay magiging “pambihirang mataas” sa mga darating na araw at linggo, ayon sa WMO, na lalampas sa 30C (86F) sa ilang bahagi, o lalampas ng ilang degrees sa average.
Ang pag-init ng temperatura ng karagatan ay maaaring magkaroon ng mapangwasak na resulta sa mga isda at iba pang marine life, na maaari ring magkaroon ng negatibong epekto sa industriya ng pangingisda.
Sa kabilang panig naman ng mundo, noong Hunyo ay nakapagtala ang Antarctic sea ice ng pinakamababang lebel.
Ang mundo ay uminit sa average na halos 1.2C (1.9F) mula noong kalagitnaan ng 1800s, na nagpakawala ng mas matinding heatwaves, mas matinding tagtuyot sa ilang lugar at mga bagyong mas malalakas.
Sinabi ni Taalas ng WMO, “The current heat wave ‘underlines the increasing urgency of cutting greenhouse gas emissions’ as quickly and as deeply as possible.”