Record heat index na 62.3C nararanasan sa Rio de Janeiro
Ang heat wave na pumapaso ngayon sa Brazil ay nagtakda ng bagong record noong Linggo, nang ang heat index sa Rio de Janeiro ay umabot sa 62.3 degrees Celsius, pinakamataas sa loob ng isang dekada.
Ayon sa Alerta Rio weather system, sinusukat ng heat index kung ano ang pakiramdam ng isang temperatura, na isinasaalang-alang ang ‘humidity.’ Ang aktuwal na pinakamataas na temperatura sa lungsod nitong Lunes ay 42 degrees Celcius.
Ang 62.3C na rekord ay naitala sa western Rio sa 09H55 local time, at ito ang “pinakamataas na marka” mula noong nagsimulang magtala ng mga naturang rekord ang Alerta Rio noong 2014.
Ang iconic beaches ng Ipanema at Copacabana ay puno ng mga tao, at naglathala naman ang mga awtoridad ng mga tip kung paano makaaagapay sa init.
Sinabi ng isang 49-anyos na administrative assistant na si Raquel Correia sa isang parke sa central Rio, “I am very afraid it will get worse, because the population is increasing a lot and deforestation is very high due to the increase in housing.”
Ang dating heat index record ay naitakda noong Nobyembre, nang umabot ito sa 59.7C.
Samantala, nananalasa naman ang napakalakas na mga pag-ulan sa katimugan ng bansa at tinatayang magpapatuloy pa hanggang sa susunod na linggo ayon sa mga awtoridad.
Sinabi ng weather information agency na MetSul, “The week will be of very high risk in the center-south of Brazil due to intense rains and storms. The most worrisome system is a very intense cold front that will arrive with torrential rains and possible gales.”