Record-high pension, ipinagmalaki ng SSS
Ipinagmalaki ng Social Security System (SSS) ang record-high pension ng ahensya noong taong 2022.
Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Rolando Ledesma Macasaet, umabot sa P5.95 billion ang nailabas sa pension loan program (PLP) noong 2022.
Ang halaga ay mas mataas kumpara sa P3.08 billion noong 2021 at itinuturing na pinakamataas na annual disbursement mula noong 2018.
Dagdag pa ni Macasaet na may monthly average na P495.77 million na pension loans ang naipamahagi mula January hanggang December 2022, na nakatulong sa 10,660 retiree-pensioners o katumbas ng 93%. Umabot naman sa 127,920 ang aplikante ng pension loan program sa taong 2022, mas mataas sa 69,036 na nag-avail noong 2021.
Nanguna naman ang Luzon sa may pinakamaraming naitalang PLP applicants na may 30,158 retiree-pensioners habang pangalawa ang NCR na may 28,239, sinundan ng Visayas na may 17,038 loan applicants at Mindanao na may 12,917 na borrowers.
Nagpasa ng loan application ang 69% ng mga borrowers sa mga SSS branches, habang 31% applicants naman ang gumamit ng My.SSS account.
Inilunsad ng SSS ang PLP para makatulong sa mga pensioners na nangangailangan ng agarang financial assistance sa interest rate na 10% per annum at nag-a-alok ng 6 to 24 months installment.
Eden Santos