Record ni Pete Sampras sa Wimbledon, tatangkaing pantayan ni Novak Djokovic
Sisimulan na ni Novak Djokovic na tangkaing pantayan ang record ni Pete Sampras na pitong ulit na naging Wimbledon champion.
At dahil hindi makapaglalaro ang Russian tennis star na si Daniil Medvedev sanhi ng umiiral na ban, at may injury naman si Alexander Zverev, kaya’t nasa top seed ngayon ang 20-time major winner na si Djokovic.
Sinimulan ng 35-anyos na Serbian player ang kaniyang Wimbledon title bid, laban sa South Korean player na si Kwon Soon-woo, world’s number 75.
Si Djokovic ay may “extra motivation” ngayong taon para manalo, dahil ang Wimbledon ang magiging last slam niya para sa 2022. Dahil ang patuloy niyang pagtangging magpabakuna ay nangangahulugan na mananatili siyang ban sa pagpasok sa United States para sa US Open.
Dagdag din sa motibasyon ng Serbian player, ang pagkakataong manalo ng apat na sunod-sunod na titulo sa Wimbledon at ang mapasama sa isang piling grupo.
Sa Open era, tanging si Bjorn Borg, Sampras at Roger Federer lamang ang nagawang makumpleto ang dominasyon sa All England Club.
Ayon kay Djokovic . . . “As a seven, eight-year-old boy I’ve dreamt of winning Wimbledon and becoming number one. Pete Sampras winning his first Wimbledon was the first tennis match I ever saw on the TV.”
Samantala, si Andy Murray, na Wimbledon champion noong 2013 at 2016, ay unseeded ngayong taon nguni’t namamalaging mapanganib na katunggali.
Nakaabot siya sa Stuttgart grass-court final sa mga unang bahagi ng Hunyo, bago siya napilitang huminto sa torneo sa Queen’s sanhi ng isang abdominal injury.
Ayon kay Nick Kyrgios ng Australia . . . “I think he’s one of the most dangerous players on grass still. I definitely think the way he can handle speed, return, compete, slice, volley, as long as his body is feeling well, I don’t want to see him on the grass at all.”
Nakalaban ni Murray ang 77th-ranked ng Australia na si James Duckworth, na hindi pa nananalo sa main tour ngayong 2022 subali’t ang 30-anyos ay nakaabot sa third round ng Wimbledon noong 2021.
Hindi naging maganda ang career ni Duckworth, dahil kinailangan niyang sumailalim sa siyam na operasyon sa nakalipas na dekada. .