Recording ng pakikipag-usap ng piloto ng Xiamen Air sa NAIA control tower, inilabas sa Senado
Ipinadinig ni Senador Grace Poe sa imbestigasyon ng Senado ang umano’y recording ng naging pag-uusap ng piloto ng Xiamen Air at babaeng Air traffic controller na nangyari bago sumadsad ang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International airport o NAIA.
Sa naturang recording, nagkaroon ng halos isang minutong gap ang pakikipag usap ng piloto sa control tower bago nangyari ang pagsadsad ng Xiamen air.
Pero ayon kay Civil Aviation of the Philippines o CAAP Director Jim Sydiongco, hindi nila maaaring i -recognize ang recording.
Hindi rin aniya nila maaring gamitin ang naturang recording para patunayan ang kapalpakan at papanagutin ang piloto ng Xiamen air.
ang liability aniya ng piloto ay ay hindi na kailangang gamitan ng cockpit voice recorder at flight data recorder.
Pero sa dokumento ng Manila Control Tower, binigyan na ng go signal ang Xiamen Air na makapag-landing 11:55 ng gabi noong August 16 pero nakapagtatakang umikot pa rin ang eroplano.
Hindi na rin aniya sumagot ang piloto hanggang nangyari ang pagsadsad nito sa runway.
Sinabi ni Sydiongco sa ngayon, kailangang hintayin muna ang resulta ng analysis ng flight data recording o black box ng Xiamen Air na ipinadala sa Singapore at ang sariling recording ng Air traffic control.
Dumepensa naman si Transportation Secretary Arthur Tugade at iginiit na hindi naparalisa ang buong paliparan nang mangyari ang insidente.
Katunayan, nag-operate pa rin ang Runway 13-31 kung saan pinayagan ang paglapag at ag take off ng malilit na aircraft.
Nanindigan si Tugade na mabilis pa nga ang naging aksyon ng Manila International Airport Authority o MIAA sa Xiamen airline kung ikukumpara sa Thailand na umabot sa apat na araw bago naalis ang isang naaksidenteng eroplano.
Sinabi pa ni Tugade na may kakayahan ang kanilang mga tauhan na mag-alis ng isang nabalahaw o naaksienteng eroplano pero natagalan dahil sa sama ng panahon at apat na toneladang gasolina na karga ng eroplano.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: