Red October ouster plot laban kay Pangulong Duterte, siniseryoso ng Malakanyang
Pinaghahanda ng Malakanyang ang Red October Ouster Plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi pa rin nawawala ang plano ng mga dilawan kasabwat ang madalo group ni Senador Antonio Trillanes at mga rebeldeng komunista na naglalayong pabagsakin sa puwesto si Pangulong Duterte.
Ayon kay Roque malabo ring magtagumpay ang outer plot sa Pangulo dahil sa kawalan ng suporta ng taongbayan.
Inihayag ni Roque na magtatagumpay lamang ang People Power sa isang nakaupong Presidente kung wala ng suporta ang publiko.
Iginiit ni Roque nananatili ang mandato at suporta ng taongbayan kay Pangulong Duterte.
Ginawang katunayan ni Roque ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS na walo sa bawat sampung Pinoy ay pabor sa anti- illegal drug campaign ng administrasyon.
Iginiit ni Roque ang anti-illegal drug campaign ng Pangulo ang pinaka-kontrobersiyal na isyu na ibinabato ng oposisyon subalit lumitaw sa SWS survey na suportado ito ng publiko taliwas sa ipinapalutang ng mga kalaban ng administrasyon.
Ulat ni Vic Somintac