Regional Government Center Mega Health Facility sa Calamba City Laguna, Pinasinayaan na

Pinasinayaan na sa Calamba City Laguna ang ipinagawa nitong Regional Government Center Mega health facility para sa mga pasiyenteng may Covid 19.


Pinangunahan ito ng mga opisyal mula sa National government sa pangunguna nina DPWH Sec. Mark Villar, DILG Sec. Eduardo Año, at ni Nat’l Task Force IATF chief implementer Exec. Sec. Carlito Galvez. at ni Calamba City Mayor Atty. Justin Chipeco.


Ang naturang quarantine facility ay mayroong mahigit anim na raang bed capacity kung saan dito sa pasilidad na ito i ko confine ang mga pasiyenteng may sintomas gayundin ang mga asymptomatic patient sa Covid 19.


mayroon itong nurse station, mga kuwarto para sa mga medical frontliners, shower at comfort rooms para sa mga pasiyente at health workers at ang buong pasilidad ay fully air conditioned. 

Ayon kay Calamba City Mayor Justin Chipeco, isa itong quarantine facility sa maganda at malaking pasilidad sa Calabarzon na ipinagawa ng city govt. of Calmaba para sa kapakanan ng mga may sakit na nagkakaroon ng covid 19, sa Laguna province.


Malaking tulong din aniya ito para labanan ang Covid 19 pandemic sa siyudad at maging sa buong laguna. 

Jet Hilario

Please follow and like us: