Registration ng Rappler news organization, kinansela ng SEC
Kinansela na ng Securities and Exchange Commisson o SEC ang registration ng News organization na Rappler dahil sa umano ay paglabag sa ilang mga probisyon sa saligang batas.
Sa ginanap na en banc session ng SEC, napatunayan umano na nilabag ng Rappler ang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal sa mga foreign companies na magpondo o kaya ay magtayo ng media entities sa bansa.
Taliwas ito sa kaso ng Rappler na pinopondohan umano ng Omidyar Network na pag-aari ng Ebay Founder at negosyanteng si Pierre Omidyar na itinanggi naman ng kumpanya.
Ayon naman sa Rappler, bagamat nalulungkot sila sa desisyon ng SEC ay itutuloy pa rin nila ang kanilang tungkulin na maghatid ng balita sa publiko.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===