Regulasyon sa transport system, ipinarerepaso ng mga Senador

 

 panda coach

Pinatitiyak ng mga senador na mananagot ang Panda Coach and Tours sa trahedyang sinapit ng mga estudyante ng Bestlink College of the Philippines.

Sinabi ni Senador Grace Poe sa nangyaring trahedya, muling lumitaw ang pangangailangan para rebisabin ang regulasyon sa ligtas na sistema ng pampublikong transportasyon.

“Nananawagan tayo sa kinauukulan na tiyaking pananagutan ng Panda Coach Tours and Transport at lahat ng responsable ang pagkawala ng buhay at pinsalang natamo ng mga pasahero nito”. -Poe

Iginiit naman ni Senador Cynthia Villar walang puwang ang pagkakamali at kapabayaan sa panig ng mga nagbibigay ng public transport dahil ang isang pagpalya ay maaring mauwi sa trahedya.

Pabor si Villar sa mga educational trip dahil makapagpapalawak ito ng kalaaman  pero dapat aniyang unahin ang kaligtasan ng mga estudyante.

“A field trip is good because it’s educational, but we should have been more careful. Travelling is education”. -Villar

Kasabay nito, nagpahatid ng pakikiramay ang mga mambabatas sa pamilya ng mga biktima ng trahedya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us: