Rehabilitasyon ng Bustos municipal hall, ipinahihinto ng NHCP
Pinadalhan ng cease and desist order ng National Historical Commision of the Philippines (NHCP) ang local government unit (LGU) ng Bustos sa Bulacan, para ipatigil ang ginagawang rehabilitasyon sa gusaling tanggapan ng bustos.
Nakasaad kasi sa Republic Act No. 10066, na kailangang panatilihin ang orihinal na anyo o istraktura ng isang cultural property at makasaysayang gusali o historic building, na may higit 50 taon nang nakatayo.
August, 2020 nang unang magpadala ng sulat ang NHCP sa Bustos LGU kaugnay ng pagpapahintulot nito na isailalim sa rehabilitasyon ang municipal hall.
Pebrero a-uno naman nang muling magpadala ng liham ang komisyon sa tanggapan ng Bustos, kung saan nakasaad ang pagpapahinto sa isinasagawang rehabilitasyon.
Ulat ni Jimbo Tejano