Rekomendasyon ng DND, AFP at PNP sa Martial Law sa Mindanao hawak na ni Pangulong Duterte

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police  ukol sa Martial Law na umiiral sa Mindanao dulot ng Marawi City crisis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Mindanao hour sa Malakanyang na tanging si Pangulong Duterte ang nakakaalam ng rekomendasyon ng DND na tumatayong Martial Law administrator katulong ang AFP at PNP.

Ayon kay Abella hindi niya alam kung ang rekomendasyon ng DND/AFP at PNP ay palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.

Inihayag pa ni Abella siguradong magpapasya ang Pangulo batay sa pangangailangan ng seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa kamay ng mga terorista.

Ang Martial Law sa Mindanao ay magpapaso ang bisa  sa July 22 o 60 araw mula ng ideklara ng Pangulo noong May 23 sa pamamagitan ng Proclamation 216.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *