Rekomendasyon ng IATF kay Pangulong Duterte sa pagtatapos ng ECQ sa April 30, kasalukuyang binabalangkas
Kasalukuyan ng binubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang gagawing patakaran ng gobyerno sa pagtatapos ng Luzonwide enhanced community quarantine sa April 30.
Sinabi ni IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na lahat ng isyu ay tatalakayin bago isumite ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Nograles nasa pagpapasya ni Pangulong Duterte kung pagtitibayin ang rekomendasyon ng IATF.
Inihayag ni Nograles na anuman ang maging desisyon ng Pangulo ay dapat na suportahan ng publiko dahil dumaan ito sa konsultasyon mula sa mga stakeholders partikular ang mga Health expert at Economic expert kung ano ang ipatutupad na patakaran ng gobyerno sa pagharap sa Covid-19 pagkatapos ng April 30 kung saan isinailalim sa ECQ ang buong Luzon.
Ulat ni Vic Somintac