Rekomendasyon ng LGUs, hihingin ng IATF bago ibaba sa alert level 2 ang NCR
Ibabatay ng Inter Agency Task Force o IATF sa rekomendasyon ng Metro Manila Mayors kung ibababa na sa alert level 2 ang National Capital Region o NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque bagama’t sa datos ng OCTA Research group ay bumababa na ang transmission at attack rate ng COVID-19 sa NCR, kailangang makita ang aktuwal na situwasyon sa bawat lugar sa Metro Manila kung saan ipinatutupad ang mga granular lockdown.
Ayon kay Roque batay sa report ng Department of Health o DOH, mayroong 9 mula sa 17 lugar sa Metro Manila ang nakitaan ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Inihayag ni Roque na hindi magpapadalos-dalos ang IATF sa pagluluwag ng mga restriction sa NCR lalo na’t papasok na ang holiday season.
Iginiit ni Roque na bukod sa anti COVID – 19 vaccine ay pananatilihin pa rin ang mahigpit na pagsunod sa minimum health standard protocol.
Magugunitang hiniling na ng grupo ng mga negosyante sa IATF na ilagay na sa alert level 2 ang Metro Manila dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 upang mabuksan na ang iba pang negosyo at tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Vic Somintac