Rekomendasyong dagdagan ang araw ng pagdaraos ng eleksyon, pinaburan ng mga Senador
Pabor ang mga Senador sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na palawigin o dagdagan ang araw ng pagdaraos ng eleksyon sa bansa.
Ito’y para hindi magsiksikan ang mga botante at maiwasan ang hawahan ng virus.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, sinusuportahan niya ang panukala para protektahan ang mga guro at mga botante.
Sabi rin ni Senador Franklin Drilon, wala namang batas na nagbabawal para palawigin ang itinakdang araw ng halalan.
Gayunman maaari naman aniyang madaliin ng Kongreso at magpasa ng batas para dito.
Pero para kay Senador Ralph Recto, dapat bilisan na lang ng gobyerno ang pamamahagi ng bakuna para maabot ang target na herd immunity bago ang araw ng halalan..
Maaari rin aniyang dagdagan na lang ang mga polling place at pahabain ang oras ng botohan.
Mangangailangan kasi aniya ng dagdag na pondo at resources ang pamahalaan sakaling dagdagan ang araw ng pagdaraos ng halalan.
Meanne Corvera