Rekomendasyong kasuhan si PRRD, Duque at iba pa , hindi natalakay sa Senate plenary
Hindi natalakay sa plenaryo ng Senado ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrerekomenda na makasuhan sina Pangulong Rodrigo Duterte, Health Secretary Francisco Duque III, mga dating opisyal ng PS DBM at kumpanyang pharmally pharmaceutical corporation kaugnay ito ng umanoy maanomalyang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at pharmally para sa pagbili ng mga medical supplies.
Sa naturang report bukod sa Pangulo at Duque, pinakakasuhan ng plunder at paglabag sa anti graft law sina Dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, Dating Presidential Adviser Michael Yang at mga opisyal ng Pharmally.
Pero sa huling sesyon kagabi bago ang tatlong buwang break, bigo ang komite na maiprisinta ito sa plenaryo dahil walang lagda ng mga Senador.
Sa dalawampung miyembro ng Blue Ribbon Committee, tanging sina Senador Ping Lacson at Manny Pacquaio ang lumagda.
Sinabi ni Senador Risa Hontiveros natanggap niya na ang kopya pero binabasa niya pa ito.
Sa May 23 pa maaring muling matalakay ang isyu.
Meanne Corvera