Rekumendasyon para sa price range ng COVID-19 testing inaasahang mailabas na sa susunod na linggo
Posibleng sa susunod na linggo ay mailabas na ang rekumendasyon ng Department of Health at Department of Trade and Industry hinggil sa price range ng COVID-19 testing.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, mayroon na silang final draft ng rekumendasyon.
Ang kulang na lamang rito ay ang price range.
Tiniyak ng opisyal pinag aaralan nilang mabuti ang irerekumendang maging presyuhan ng COVID- 19 testing.
Nagsagawa rin aniya sila ng mga survey upang matukoy ang presyuhan sa mga laboratoryo, ospital at iba pang health establishment sa bansa.
Tiniyak naman ni Vergeire na lahat ng aspeto ay ikukunsidera sa itatakdang price range ng testing gaya ng mga brand na ginagamit sa merkado, logistics at maging utility cost ng mga health establishment.
Sa oras na may mabuo na aniya nila ang itatakdang presyo ay kokonsultahin rin naman aniya nila lahat ng stakeholders para maipaliwanag ang kanilang naging basehan.
Madz Moratillo