Relasyon ng China at Pilipinas, mas bubuti na matapos kanselahin ng Pangulo ang pagpunta sa Pagasa Island
Naniniwala ang China na mas bubuti pa ang relasyon sa Pilipinas matapos kanselahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang planong pagpunta sa Pag-asa Island para maglagay ng bandila ng bansa.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang, nakikita nito ang mas maganda pang relasyon ng Pilipinas at China kasunod ng pagkansela ng Pangulong Duterte sa pagdalaw nito sa disputed West Philippine Sea Island.
Ayon kay Lu, ang hakbang ni Duterte ay magiging daan para maresolba nang maayos ang gusot sa mga pinag-aagawang isla.
Kasabay nito hinimok din ng Foreing Ministry spokesperson ang dalawang bansa na magtulungan para parehong makinabang ang mga mamayan ng China at Pilipinas sa mga naturang isla.