Relasyon ng Pilipinas at US lalong tatatag matapos makipagpulong si Pangulong BBM ay U.S. Pres. Joe Biden ayon sa lider ng Kamara
Lalo pang lalakas ang relasyon ng Pilipinas at Amerika matapos ang pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at US President Joe Biden sa New York.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa kanyang working visit sa Amerika.
Ayon kay Romualdez, higit pang tatatag ang bilateral partnership ng dalawang bansa lalo na sa aspeto ng Economic, Defense, Cultural and Investment Cooperation dahil matagal ng kaalyado ng Pilipinas ang Amerika.
Sa pagdalo ni Romualdez sa business meeting inulit niya ang panawagan sa American businessmen na maglagak ng negosyo at puhunan sa Pilipinas.
Inihayag ni Romualdez na batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Amerika ang major source ng foreign direct investments ng bansa bukod sa Singapore, Japan at Netherlands.
Vic Somintac