Religious gatherings sa MECQ areas, pinapayagan na
Maaari nang magsagawa ng religious gathering sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque batay sa Inter-Agency Task Force o IATF resolution na pinapayagan na ang religious gathering sa ilalim ng MECQ subalit nasa 10 percent capacity lamang ng lugar na pagdarausan ng aktibidad.
Ayon kay Roque binibigyan ng IATF ang mga LGUs ng karapatan na itaas hanggang 30 percent capacity ng venue ng mga religious gathering na nasa ilalim ng MECQ batay sa ebalwasyon sa kaso ng pagdami ng COVID-19 sa kanilang area of responsibility.
Sa ngayon, nasa ilalim ng MECQ ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quirino, Abra, at Santiago City hanggang sa katapusan ng Abril.
Vic Somintac