Remittance rate ng OFWs tumaas noong Hulyo – BSP
8.7 percent ang itinaas ng remittance rate ng mga Overseas Filipino Workers noong buwan ng Hulyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas , makapagtala ng 2.5 billion dollars ang naipadalang pera ng mga OFWs na mas mataas kumpara sa 2.3 billion dollars sa kaparehong panahon noong isang taon.
Nagmula sa Amerika ang karamihan sa cash remittances na sinundan naman ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at HongKong
Ayon pa sa BSP, ang mataas na remittance rate ay katunayan lamang na mataas ang demand para sa mga Pinoy skilled workers sa ibayong dagat.
Please follow and like us: