Remulla kay Teves: “Hindi nakakatuwa ang pagpatay kay Gov. Degamo at 8 iba pa”
Hindi umano nakatutuwa ang isyu ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa, gayundin ang mga tao na natatakot hanggang sa hindi nadadakip si Congressman Arnulfo Teves Jr.
Ito ang sagot ni Justice Secretary Crispin Remulla sa pahayag ni Teves na nakakatawa at tila circus na ang nangyayari sa plano ng Department of Justice (DOJ) na ipadeklara siyang terorista.
“There is nothing funny about 9 people getting killed,” sabi ni Remulla.
“The people are/were terrorized and are/ were living in fear as long as he is not in legal custody,” dagdag pa ng kalihim.
Sabi ni Remulla “we are guarding against that capability to wreak havoc and destruction to people’s lives.”
Iginiit ng kalihim na ang balak nila na proscription case laban kay Teves ay para mapigilan ang kakayanan ng kongresista na sumira at gumulo ng buhay ng mga tao.
Bukod aniya sa mga kasong illegal possession of firearms at explosives, mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder ang nangyari na hindi nakakatuwa.
Tanong pa ni Remulla nakakatawa rin ba para kay Teves na pinatay ang gobernador sa sariling bahay nito habang pinagsisilbihan ang kaniyang constituents?“That is not funny at all, considering that the highest ranked local official was killed in his own home while serving his constituents, by highly trained gunmen recruited for that purpose,” diin pa ni Remulla.
Una nang sinabi ni Remulla na ang mosyon nila na ideklara na terorista si Teves ay isusulong nila kapag pormal na itong makasuhan sa Degamo murder.
Moira Encina