Rental Subsidy Program para sa mga pinakamahihirap na pamilya, aprubado na sa Committee level ng Senado
Inaprubahan na sa Committee level ng Senado ang panukalang Rental Housing Subsidy program para sa mga informal settler.
Sa panukalang batas na inakda nina Senador Bong Go, Bong Revilla at Leila de Lima, layon nitong bigyan ng housing subsidy ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng mga isinasagawang relokasyon ng gobyerno.
Ayon sa mga Senador, paulit-ulit na bumabalik sa slum areas at gilid ng mga kalsada ang mga mahihirap na pamilya dahil walang pambayad ng upa at hindi kayang bumili ng kanilang sariling bahay.
Sa kasalukuyan ay nagbibigay ang National Housing Authority (NHA) ng one-time rental subsidy para sa mga kwalipikadong informal settlers ng Metro Manila na inilipat sa mga lalawigan ng Rizal, Batangas, Bataan at Laguna.
Sa panukalang batas, tatagal ng limang taon ang pagbibigay ng subsidy.
Pag-aaralan pa ng binuong Technical Working Group Committee ng Senado kung magkano ang magiging subsidiya.
Meanne Corvera