Rep. Baguilat, haharangin ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections
Haharangin ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang panukala sa mababang kapulungan ng kongreso na naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang Barangay election sa Oktubre.
Iginiit ni Baguilat na malabo ang basehan ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa dami ng mga Barangay officials na sangkot sa iligal na droga.
Kinuwestiyon din ni Baguilat ang kawalang-aksyon ng gobyerno hinggil sa usapin na ito sakaling totoo man ang sinasabi ni Pangulong Duterte.
Dapat aniyang kasuhan ang mga ito na dawit sa iligal na droga kung totoo man dang pahayag ng Punong Ehikutibo na malaking porsiyento sa mga Barangay official ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Lumalabas din na tila walang tiwala si Pangulong Duterte sa kakayahan ng Pilipino na magdesisyon at pumili ng nararapat nilang lider.