Repatriation ng mga Pinoy sa Ukraine nagsimula na
Sinimulan na ng Department of Foreign Affairs ang paglilikas sa mga Filipino sa Ukraine.
Kasunod ito ng nangyaring pag- atake ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, aabot sa 181 ang mga pinoy sa Eastern European country kung saan karamihan sa kanila nasa Kyiv capital.
Anim sa mga ito dumating na sa pilipinas habang apat na iba pa ang nakatakdang umalis doon ngayong araw.
Ayon kay Assistant Secretary for Migrant Workers Paul Cortes nasa Alert level 2 pa lang sa Ukraine kaya voluntary pa ang pag-uwi ng mga pinoy.
Pero may nakadeploy silang mga tauhan doon sakaling lumala ang sitwasyon
Naiintindihan naman raw ng DFA kung hindi pa makapagdesisyon ang ating mga kababayan na umuwi ng bansa marami raw silang dapat na isaalang alang lalo na ang mga pinoy na doon na nagkaroon ng pamilya.
Tiniyak ng DFA na ibinibigay nila ang lahat ng ayuda na kailangan ng mga pinoy doon kasama na ang financial assistance.
Meanne Corvera