Reporma sa PHLPost pangako ng bagong Postmaster General
Nanumpa na si Luis Carlos bilang bagong Postmaster General sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Si Carlos ay dating assistant postmaster general for marketing and support services ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang acting Postmaster General at miyembro ng PHLPost Board of Directors noon March 28, 2023.
Sa kaniyang pag-upo sa pwesto, hinikayat ni Luis ang mga tauhan ng PHLPost na ibalik ang karangalan bilang kawani ng ahensya.
Sinabi ni Luis sa mga kawani na ““we still have a lot of opportunities we can work on, which can challenge the traditional, so as we can be more competitive and that is to modernize the postal operations”.
Hindi natin kailangan baguhin ang buong sistema, ang kailangan ngayon ay pagandahin ang serbisyo natin,” dagdag pa ng opisyal.
Kabilang sa programang nais isulong ni Luis ang digitalization sa ahensya, pagpapahusay sa relasyon sa mga pribadong e-commerce companies katuwang ang Department of Trade and Industries (DTI) at pagpapatibay sa relasyon sa pribadong sector at ibang bansa para sa cross-border e-commerce business, international mail forwarding at international money transfer.
Plano din ng PHLPost na pumasok sa isang Memorandum of Agreement o MOA sa Department of Agriculture para maging pangunahing logistics provider sa mga magsasaka, gaya ng delivery ng agricultural products tulad ng seedlings, fertilizers at crops sa malalayong lugar na walang access sa kalunsuran.
Nangako din siyang isusulong sa mga darating na buwan ang reporma sa operasyon, pagtukoy sa lakas at kahinaan ng ahensya, at trabahuhin ng mabilis ang mga dapat na ayusin para mag-survive ang post office.