Report na maraming foreign vessels ang pumapasok sa territorial waters ng bansa, pinaiimbestigahan ng Malakanyang sa AFP Western Command
Kailangang imbestigahan ng Western Command ang sinasabing pagdami ng foreign fishing vessels sa karagatan ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng lumabas na report ng grupong Karagatan Patrol na nagsasabing mula 2012 dumami na ang commercial fishing vessels mula sa ibang bansa na pumapasok sa territorial water ng bansa.
Bagaman hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng mga fishing vessels posibleng galing sa China, Vietnam at Taiwan ang mga ito.
Ayon kay Panelo hindi pa validated ang report at kailangan pang alamin ng gobyerno.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: