Reproduction Number o bilang ng hawaan ng Covid- 19 sa QC, bumababa na
Patuloy na bumababa ang bilang ng bagong kaso ng Covid-19 sa Quezon City sa nakaraang apat na linggo.
Batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na pinatunayan naman sa ginawang pag-aaral ng UP OCTA Research Team.
Ayon pa sa nabanggit na mananaliksik, ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay nasa 0.79.lang.
Mas mababa anila ito kumpara sa RO ng National Capital Region na .83 at ng buong bansa na .92.
Inilalarawan ng R0 kung gaano karaming tao ang nahahawa sa bawat infected patient.
Hihigit sa isang tao ang maaaring mahawaan ng COVID-19 kapag lumampas sa 1.0 ang R0.
Kapag mas mababa sa 1.0 ang R0, ibig sabihin ay pababa na ito at nawawala.
Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 4,000 ang testing capacity ng lungsod, bumaba naman sa 11% ang positivity rate, o bilang ng mga nagpopositibo mula sa testing.
Magugunita rin na inilunsad ng City Government ang programang tinawag na Race to Zero campaign para sa lahat ng Barangay sa lungsod .
Naglayon ito ng pababain ang bilang ng mga nagpopositibo sa Barangay kada araw.
Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng Pamahalaang lokal sa mga residente ng lunsod na dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa Health at Safety protocol na ipinatutupad ng gobyerno tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield lalong lalo na kapag nasa pampublikong lugar.
Belle Surara